Monday, July 7, 2008

What if I wasn't in this community?

What if I didn't encounter this community (CFC-YFC)?

What if I became just one of those people that joined the youth camp but after some months, refuse to come back and decide to move on with my life?

Paano kung hindi ko lang talaga inintindi ang community na 'to at gumawa ng mga bagay bagay na ayon sa direksyon ko?

Paano kung sinundan ko yung gusto ng mga magulang ko?

Paano kung nagpakadalubhasa nalang ako sa mga bagay na mahal na mahal ko at magaling ako?

Paano kung pinili kong manatili sa mundong kinamulatan ko?

Nahihirapan ako..

Hindi ko mapigilang magbalik- tanaw..

Madami pa kong mga tanong..

Madami pa kong gustong gawin..

Hindi ko na masasagot ang mga tanong na 'to..

Hindi na kailan man..

Nakapili na ko at kailangan ko 'tong panindigan..

Sana lang tama ako sa desisyon na ginawa ko..

Friday, July 4, 2008

Dahil lang mura ang school ko..

Nakakainis, huli nanaman ako sa mga dapat nilang asikasuhin. Pero kapag magsesermon sila, unang una akong pagsasabihan. Kanina, humingi ako ng pera pambayad sa contribution at pambili ng libro. Wala nanaman silang pera, para sa akin. Naiintindihan kong madami kaming gastos dahil naospital ang kuya ko. Pero hindi naman ata ayos yung isang buwan na kong nagsasabi na kailangan ko ng pera eh wala pa din. Lagi nalang ganito,kapag kailangan ko ng pera,palaging wala,para sa akin pero sa mga kapatid ko meron.

Dahil ba mura lang ang school ko,okay na hindi ako magbayad agad dahil walang pera? Dahil ba sa PUP lang ako nag-aaral kaya dapat idelay ang bayarin ko dahil eskwelahang pangmahirap yun? Walang punto ang ganung pag-iisip. Eskwelahan pa din yun at hindi libre mag-aral. Kahit ang mga iskolar ay may mga dapat ding bayaran, hindi lang tuition fee.

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...