"They can imitate you but they can't duplicate you."
Tama si Dawin sa lyrics ng kanta nyang Dessert. Walang makakagawa ng mga bagay na ginagawa mo na katulad na katulad ng kung pano mo ito gawin. Unique tayo, in our very own ways. Although, often times, we forget that we have unique qualities.
Ako, madalas ko yun makalimutan. Gusto ko ng ibang buhay. Magsimula ulit. Nakalimutan ko na YOLO nga pala. Hahaha! We don't get another shot at living this life so might as well live it the way I want it. I should start having fun. Twenty six years old, twenty years spent in school. Others are starting their lives at the real world, ako nag-aaral pa. Dapat ko nalang ituring as blessing yun. I have a supportive family and a lot of loving friends.
"Ilang points of no returns na nalampasan mo? Ano ba naman yung isa pa? Kaya mo yan!"
Point of no return. Ilang beses ko ng narating yan eh. Pero ilang beses din akong nagreturn. Hahaha! Takot ako eh. Takot ako sa kung anong nasa kabila. May tendency akong isabotage ang mga good things na nangyayari sakin. Takot akong umabot sa breaking point. Takot akong magtransform. Takot akong magbago. Baka kasi hindi ko mgustuhan. Baka kasi hindi naman akong maging masaya. Baka kasi hindi ko naman kayang panindigan.
Sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Ilang beses na 'ko nagsabi na pagod na 'kong matakot,pero eto pa rin ako, takot na takot. Ang galing galing kong mag-advise sa iba, pero yung sarili ko di ko magawa yung mga advice ko.
Sa totoo lang, pagod na 'ko matakot eh, gusto ko ng maging matapang.