January 19, 2011
01:36 AM
Dear you,
Noon ko pa iniisip kung dapat na ba kita kausapin. Ano ng una kong dapat sabihin? O kaya, anong pwede kong sabihin para tumingin ka sa kung nasaan man ako. O kaya, para man lang marecognize mo ang presensya ko. Matagal ko na iniisip kung ano talagang dapat ko sabihin sayo. Matagal na din kasi kita gusto kausapin eh. Pero sa tuwing makikita kita, hindi ko magawa. Wala ako masabi. Nanginginig pa nga ako eh. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano bang dapat sabihin o gawin.
I act strong in front of everyone kapag andyan ka. Sabi ko sa kanila, hindi naman ako apektado eh. Pero ang totoo, nakakahiya man sabihin, umiiyak ako kada matatapos ang araw na nakasama kita. Kasi masakit. Oo, strong ako, pero nanliliit ako kapag andyan ka. Ikaw lang ang nakakagawa nun sa akin. Na sa kahit presensya mo palang, ramdam ko na hindi tayo dapat nasa iisang lugar lang. para sa akin, lumiliit ang mundo kapag andyan ka. Tumitigil ang oras kapag napapalingon ako sa gawi mo.
Ang story natin, nakakalungkot, ewan ko kung meron nga ba talagang story. Alam mo kung anong nakakalungkot? Kasi hindi natin (or ako, for that matter) alam kung paano lulugar. At least siguro ako, hindi ko nga talaga alam. Honestly, hindi ko namalayan na ganito na tayo. Malungkot kasi hindi man lang kita naexperience maging kaibigan. Sabi nung iba, mayabang ka, weird ka, wag na kita pagkaabalahan kasi wala ka naming kwenta, wala naman daw ako mapapala sayo. Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Sinubukan ko naman eh. Kahit sa sarili ko, hindi ko na maamin na apektado ako sa bawat ginagawa mo kasi nasasaktan ako. Para bang nawawalan ako ng self-esteem at self-worth. Hanggang ngayon kinakaya ko pa din. Pasensya na, baka matagalan, ang hirap lang kasi talaga.
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung bakit ko ginawa ‘tong message na’to. Siguro para lang masabi ko sayo ang hindi ko masabi sayo ng harapan. Pasensya na kung naiinis, naaasar, or nasasaktan man kita in any other way. Gusto ko lang na may sabihin ka. Kahit pa negative yun. Basta magsalita ka. Gusto kong malaman kung dapat pa ba maghintay kahit parang wala naman talaga.