Thursday, July 30, 2009

Sulat para sa mga inakala kong kaibigan..

Sabi ko na nga ba mangyayari ‘to.. Sinabi ko na nga ba, dadating sa puntong susuko din ako. Mula pa sa una, alam kong salingpusa lang ako. Panabla, pamparami ika nga. Mula pa nung una, inasahan ko na, na hindi din nila ako kayang tanggapin, matanggap man, may bahid ng kung ano ang pakikipaglapit na ginagawa.
Kahit paano, masasabi kong naging masaya din akong kasama kayo. Kahit paano, napaligaya nyo ako sa tuwing makakasama ko kayo. Naging totoo ako sa lahat ng sinabi at ginawa ko sa pagkakaibigan na ‘to. Iniwasan kong makipag-away sa kahit na sino sa inyo kahit na naaasar din ako paminsan minsan at hindi ko gusto ang mga trip nyong gawin. Pero sumasakay nalang ako, ika nga, pakikisama. Hindi ko kailangan gawin ang mga bagay na ginagawa nyo na hindi ko gusto basta makasama ko lang kayo, dahil akala ko, mahal nyo na din ako. Dahil akala ko, totoo na ‘to. Dahil akala ko, matindi ‘to. Nakakatawa, totoo nga palang nakakamatay ang maling akala.
Hindi ko alam kung kelan nagsimula, ayokong iclaim, pero ramdam ko ang kompetisyon. Effort na effort sya sa lahat ata ng bagay na gawin ko. Hindi ko alam kung kelan nagsimula, pero ramdam ko ang inggit sa pagkatao nya. Wala akong ginagawa. Wala akong sinasabi. Kung tingin nyo meron, patingin ng proweba.
Masama bang mabuhay ng ayon sa nakagawian ko? Eto ako. Malamang hindi mo nalang din inalam kung bakit ako ganito at katulad ng mga nauna, nagassume nalang kayo ng mga bagay na akala nyong pagkatao ko. Nakakalungkot dahil ipinakita ko sa’yo ang totoong ako. Inasahan ko na sa pagkakataong ‘to, ikaw lang ang dadamay sa akin. Saktan na nila ako, wag lang ikaw, dahil wala silang alam at ikaw pinagkatiwalaan ko. Dahil akala ko magkapatid tayo. Dahil akala ko magkaibigan tayo. Naniwala ako na mahahanap mo sa puso mo ang malaking tiwalang binigay ko. Nakakamatay nga talaga ang maling akala.
Now when I look back, ako nga lang ata ang nag-isip na magkaibigan tayo, na magkapatid tayo, na matindi at kakaiba ang pagkakaibigan na ito. Ngayon, itigil na natin ‘to. Ayokong manakit, ayokong masaktan. Ayoko ng gulo. Isipin nalang natin na parang walang nangyari. Na parang hindi nagkrus ang mga landas natin. Na hindi tayo nagkakilal
Hindi ko alam kung anong mga pinag-usapan ng mga tao sa likod ko. Hindi ko alam kung paano ako ginagago ng mga taong inakala kong totoo. Hindi ko alam kung ano pa ang mga gagawin nila. Hindi ko kayo totoong kilala, wala din kayong alam sa akin.
Ituturing ko nalang itong isang panaginip, na hindi nagkatotoo, katulad ng prediction ko. Sana masaya na kayo,wala na ko, you’re free to talk behind my back. You’re free to say whatever you want about me. Pwedeng pwede nyo na kong pagtawanan hanggat gusto nyo. Basta wag na wag na kayong lalapit sa akin kung hindi naman importante, pakiusap lang. Ayoko ng plastikan,please lang.
Eto lang, pinahalagahan ko kayo. Minahal ko kayo at hanggang ngayon minamahal pa din. Sobrang sakit ng nagawa nyo sa akin, masahol pa sa mga naunang tumalikod sa akin. At least sa kanila, may kasalanan din ako, sa inyo, kasalanan bang maging totoo? Wag mong sabihing binibiro nyo lang ako, dahil kalokohan yung ginawa nyo, lalo na ikaw na nakakaalam ng dahilan kung bakit ko ginagawa yun. Sa nangyaring ‘to, pinakanasaktan ako sa ginawa mo.
Ingat nalang kayo palagi. Ipagdadasal ko pa din kayo. Salamat na lang din sa lahat. Sana kapag nagkrus ang landas natin, wala ng masaktan.:)
Paalam.

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...