"Ten years from now, make sure you can say that you chose your life, you didn’t settle for it." — Mandy Hale
10 years ago, 19 ako nun. Pero yung gusto ko ikwento, 20 years old ako bilang 30 na ko next year. I had this class in college, marketing grad nga pala ko. Hello sa MK 4-4s classmates ko, baka tanda nyo to. Di ko na matandaan yung setting, kung anong subject tsaka kung sinong prof ko nun, pero babae to.
Pinakuha kami ni Ma'am ng yellow paper at pinasulat nya yung mga gusto namin maachieve in 20 years. Of course, 20 lng ako, wala naman ako ibang gustong makuha kasi hindi ako pinalaking materialistic ng mga magulang ko but I can clearly remember lahat ng naisulat ko dun, nakadepende sa pagiging abogado ko.
Sobrang gusto kong maging abogado na lahat ng gusto kong marating, maachieve, maranasan o makuha, kakabit nun yung titulong Atty.
Hindi ko pinangarap maging Fiscal, Judge o Justice. O maging PAO, magtrabaho sa law firm, maging corporate lawyer o kung ano pa man classification ng abogado na meron. Dumating nalang yung mga ganung classification nung tumatagal ako sa law school, palapit na ko sa finish line at nagiging abogado na ang mga kaibigan ko at napupunta na sa iba ibang field ng law.
Gusto ko lang magkaroon ng ATTY. sa pangalan ko pero madami pa kong gustung gawin bukod sa maging abogado. Kaya siguro hindi pa 'ko pinagbibigyan ni Lord.
10 years after, 30 na ko, can I say that I chose my life, I did not settle? Oo naman. I chose to study first and be a lawyer. May 10 years pa ko para iachieve yung iba pang naisulat ko sa papel na yun or pwede ko naman baguhin nalang dahil nagbabago ang mga bagay bagay sa pagdaan ng panahon. Bottomline, naging masaya ako in those 10 years while achieving my goals.
Sunday, July 15, 2018
10 years ago,
Subscribe to:
Posts (Atom)
Reading is like Breathing
Work-from-home essentials
⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...
