Napanaginipan ko nanaman sya. At mukhang magkasama nanaman kami sa isang pagdiriwang sa bahay ng isa sa mga kaibigan namin. Ganito naman palagi. Kung hindi sa events sa mga salo salo kami nagkikita. Kaya special ang bawat pagkikita namin (maikonek lang?).
Hindi naman kami talaga nagpapansinan. Civil lang. Naguusap pa din kapag nagkasagutan sa isang usapan kasama ang mga kaibigan. Pero kakaiba yung pagkakataon na yun kasi, magkasama kami sa iisang lugar na wala ang mga kaibigan namin. Well, andun naman sila sa venue pero nakahiwalay kami sa hindi ko maisip na rason, pero may mga kasama pa kaming iba.
Hindi kami nagpapansinan, pero nung mapatingin ako sa kanya, bigla syang sumenyas ng apir, so nakipag-apir naman ako sa kanya. Civil naman kasi kami eh. Ang ikinagulat ko, hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko at napunta ang mga kamay namin sa pagitan namin dalawa. Maya maya, binawi ko, kasi nahihiya ako sa kanya, baka sabihin nya pa, nawiwili ako. Pagkabawi ko, bigla kong narinig na sinabi nyang "ihahatid kita ah", pero mahina lang kaya hindi ko na pinansin.
Medyo tumagal pa kami sa salo salo na yun, may naupo na nga sa pagitan namin at nginitian ko lang sya nung mapatingin ako sa kanya. Maya maya, nakatabi ko yung isa kong member, sabi ko uwi na tayo. Tumayo sya, akala ko may pupuntahan, sa harap ko lang pala. Tapos sabi nya, "Ano ba yan, di ba sabi ko ihahatid kita. Bat sasabay ka sa kanya? Lagi mo nalang akong pinagseselos." Gulat ako, sabi ko nalang, "Ay bat di ka nagsasabi kasi agad. Malay ko ba?" Paglingon ko, nakangiti lang yung mga friends namin na nakikinig. Mas gusto ko yung ngiti ng kapatid nya na parang nagsasabing, "FINALLY!"
Habang naglalakad kami papunta sa motor nya, tinanong ko kung anong meron sa kanya. Hindi na daw nya kayang magtiis pa. Mahal naman nya daw ako talaga. Nakasakay kami sa motor, kaya di ko na narinig yung iba pa nyang sinabi. Sabi ko nalang, tumigil muna kami at mag-usap.
Tumigil kami sa Pasig Park, sa kapasigan, tapat ng simbahan. Nung makaupo na, inasar nya pa ko. "Ayos ka din ah, pag dumadating ako, kabang kaba ka ah. namamawis ka agad eh." HAHAHA! Totoo naman yun, pero kapal neto. HAHAHA!
Tapos, may weird na nangyari, dumating yung campus based at niyayaya kami sa praise and worship dahil inilipat daw ang campus fresh sa Pasig. Ang weird talaga.:))
But anyway, the main point is, sana magtapat na nga sya. I believe, someday he will. Someday he will be mine. Someday, he will realize it. Sana sya nalang plano ni God for me.