Monday, December 29, 2008

Saan ba?

Nakakamiss yung ako. Nakakamiss yung bumalik sa katinuan o yung maging ako lang. Ang dami ko na nakalimutan, ang dami ko na mali, ang dami ko na gusto, ang dami ko nglihim, at ang dami ko hindi nagagawa.

Plano ako ng plano. Isip ako ng isip. Wala naman ako nagagawa. Wala naman ako natatapos. Wala din ako magawa para maging maayos ako. Palagi nalang ako nagmamarunong. Palagi nalang nagkukunwari. palagi nalang nagmamakaawa.

Palagi nalang ayaw ng mga tao sa akin. Palagi nalang akong mali. Palagi nalang ako nageeffort magustuhan ng mga tao. Hindi tumatagal ang friendship. Ang closeness. Palagi nalang ako may kaaway. Palagi nalang naiilang sa akin. Walang instance na wala akong makakasamaan ng loob kapag nagsimula na akong maging totoo sa kanila.

Ako yung may problema? Sino ang totoong nakakakilala sa akin? Ano ang dapat kong maging ugali?

Sana sabihin ng mga tao kung anong mali? Saan ako mali? Bakit ako mali? Sana sa una palang sabihin na, na ayaw nila sa akin. Ayoko ng in difference. Ayoko mag-isa. Ayoko umasa. Nawawalan ako ng tiwala sa sarili.

Anong nakakainis? Anong mali? Anong gusto?

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...