PAGOD AKO. PAGOD AKO.PAGOD AKO.PAGOD AKO. PAGOD AKO. PAGOD AKO. PAGOD AKO. PAGOD AKO. PAGOD AKO. PAGOD AKO. PAGOD AKO. PAGOD AKO. PAGOD AKO. PAGOD AKO.
PAGOD AKO!!!
Kakatapos lang ng sectorcon tapos metrocon na naman ang aatupagin. Napapagod na ko. Hindi ko tuloy alam kung gusto ko pa tong ginagawa ko. Hindi ko na alam kung masaya pa ko o kung ginagawa ko lang 'to dahil kelangan, dahil sabi ng ibang tao. Hindi ko na ata nakikita ang Diyos dito. Parang ayoko na magPROD. Pero wala naman akong magagawa kasi YCOM ako.. At saka ito ang programa ko. Eto naman talaga yung service ko. It's what I do to please and glorify God. Dito ko mapapakita na mahal ko Sya.
Sana nasasabi ko lang 'to kasi pagod ako at hindi dahil hindi na ko natutuwa sa mga ginagawa ko.
*Sinulat ko 'to mga ganitong panahon din nung nakaraang taon. Nahagilap ko lang sa mga credentials ko kasabay ng nakita ko ang nakakaloka kong dalawang grade sa isang subject. Anyway, sa pagbabasa ko nito, nainis ako sa taong nagsulat nito nung nakaraang taon, nainis ako sa dating ako. Puro reklamo, puro kapaguran nalang nya yung inaatupag, puro yung kasiyahan nalang nya yung iniisip. Hmm.. Narealize ko na nakakainis pala ako dati (at least ako nainis sa sarili ko at hindi ang ibang tao). Hindi ko alam kung nagbago ako ngaung taon na 'to eh. Alam ko puro pa din talaga k reklamo. Madami pa din akong inis, madami pa din akong tanong, pero sana may nagbago. Napapagod pa din ako, pero sa pagkakataong 'to, marunong na ko magpahinga sa panahong kinakailangan ng pahinga para hindi umabot sa exhaustion. Para hindi umabot sa sasabog na yung galit ko o yung damdamin ko..Sana sa pagkakataong 'to, naggrow na ko..