Para akong binuhusan ng malamig na tubig, yung may yelo pa, nung nalaman ko ang balita.
Ako: Andyan na ba si dean?
R: Oo, nakausap ko na. Ayaw eh. Ano nang gagawin ko?
Ako: Si sir ba nakausap nyo na?
R: Hindi pa nga. Hahanapin namen.
Ako: Anong sabi ni dean?
R: Madami na daw syang nireject. Ayaw nya na talaga.
....
Nasa biyahe ako nyan, ng biglang sinabi ng bestfriend ko yan. Biglang tumigil ang mundo ko at madaming thoughts ang tumakbo sa utak ko, pero pinakauna dun, paano na sya?
Sa totoo lang, hindi ko alam ang tamang emosyon na dapat maramdaman. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung tama pa ba na maramdaman ko yung iba. Pero yung pinakabottom line, ayoko na hindi sya makaenrol sa law school. Ayoko na hindi sya makasama hanggang maging abogado kami. Ayoko masaktan sya. Ayoko na ma-in dispair sya. Ayoko mawala sya sa sirkulasyon.
Lord, please, make a move. Ikaw nalang po ang last resort nila sa puntong 'to. Lord, please, kayo na po bahala sa kanila. I believe in You. I claim Your victory. Thy will be done!