Wednesday, July 8, 2009

Sentiments..

Nang mga nakakaraang araw, palgi nalang akong madaling malungkot. Madali akong mapikon, masaktan at umiyak. Napakasensitive ko. As a call it, fragile ako these days.. Hindi ko din naman din kasi gusto na maging ganito ako, pero yun talaga yung nararamdaman ko. Struggling ako na ‘wag masaktan ng ganoong kadali. Sa sobrang pagstruggle ko, nagiging indifferent tuloy ako, na mas lalong nakasakit sa ‘kin dahil akala ng mga tao, dahil hindi ako nagsasalita, okay lang. Dahil hindi ako nagrereact, walang problema. Dahil hindi ako umiiyak sa harap nila, hindi ako nasaktan.
Kawawa naman yung puso ko. Napakafragile. Durog na durog na ata. Pinipilit ko maging strong. Pinipilit ko kalimutan. Pinipilit kong baiwalain, pero parang hindi ko na naman kaya. Bakit paulit ulit nalang? Bakit walang humpay ang mga taong ‘to na saktan ako? Bakit may epekto pa din yung mga ginagawa nila sa akin hanggang ngayon? Nakit hindi ako makawala sa kumunoy na ‘to? Bakit parang hindi ako nagggrow?
Unang dahilan ng sakit, Pamilya. Mahal ko sila. Sobrang mahal. Ang mga magulang ko, mahal na mahal ko sila, to the point na hindi nalang ako makasagot kapag tinatanong nila ang mali nila sa akin. Oo, sumasagot ako sa magulang ko. Kasi nagtatanong sila. At ang masakit dun, hindi kami palaging magkaintindihan. Ni hindi nga nila alam kung kelan ako nagbibiro o kung kelan ako seryoso. Sa sobra kong pagmamahal sa kanila, hindi nalang ako nagsasalita tungkol sa mga bagay na kailaingan ko dahil nangangamba ako na baka isipin nila, napakamaluho kong anak. Hindi ako humihing ng mga bagay na hindi related sa school. Ultimo pambayad ng mga libro, hiyang hiya akog hingin sa kanila kaya kapag kelangan na kelangan na, dun pa lang ako humihingi. Madaming bagay akong gustong makuha, gustong gawin at gustong maayos. Pero takot na takot ako palagi na hindi nila ako suportahan. Takot na takot ako na hindi nila ako maintindihan. Takot na takot na sa bandang huli, nagkamali pala ko at sabihin nilang hindi ako nakinig sa kanila. Madaming bagay akong hindi nagawa, ginagawa at magawa dahil sa sobra kong pagmamahal ko sa kanila. Bilang panganay na ngayon, ayokong masaktan pa sila lalo ngayon. Palagi nila sinasabi sa akin na kapag tumanda sila, wala daw akong pakialam sa kanila at baka hayaan ko lang daw silang mamatay sa gutom, pero mali sila, alam na alam ko, at ramdam na ramdam ko na ako pa din sa huli ang mag-aalaga at bubuhay sa kanila. Hindi ko alam kung alam nila yun. Araw- araw, madami akong gustong gawin, madami akong gustong puntahan, madami akong gustong aralin bukod sa mga bagay na gusto nila gawin, puntahan at aralin ko pero wala akong magawa kundi sundin pa din sila kasi yun ang magpapasaya sa kanila. Takot na takot akong umalis ng bahay dahil baka pagbalik ko wala na sila, baka hindi ko na ulit sila makasama. Alam kong maikli nalang ang panahon ko para makasama sila. Gusto ko sanang makabuo ng mga magagandang memories kasama sila pero parang hindi mangyayari kasi hindi naman nila ko nakikita bilang ako, na anak nila. Siguro nakikita nila ko pero hindi ko nararamdaman. Ang nararamdaman ko lang ay kapag nagagalit sila sa akin kapag hindi ko gustong gawin yung mga pinapagawa nila na para bang wala na akong nagawang tama at maganda buong buhay ko na naging anak nila ako, yung inis nila kapag humihingi ako ng mga bagay na kailangan ko, kapag aalis ako at gagawa ng makabuluhang bagay at yung gustung gusto kong gawin at ang pinagtatakahan ko, kapag papasok ako sa school, na parang bang wala ng papupuntahan yung sarili ko kapah nakagraduate na ko. Nasasaktan ako sa lahat ng ipinaparamdam nila sa akin. Nasasaktan ako dahil alam kong mali ang makaramdam ng ganito dahil pamilya ko pa din sila at magulang ko sila. At ang pinakamasakit ay yung parang balewala lang ang bawat paghikbi ko pag gabi, ang bawat pag-iyak ko kapag pinipigilan kong sagutin at saktan sila dahil sa sobra kong pagmamahal sa kanila. Parang balewala lang ang bawat tahimik na iyak ng puso ko kapag nadidisappoint nila ako. Tinatanong nila palagi kung bakit hindi ako ngumingiti man lang kapag nasa bahay ako, well, eto ang sagot, kasi hindi ako masaya, at ang masama pa nun, sobra na kong nasasaktan na kahit ngiti hindi ko na maibihay.
Sige aamin ako, NAIINGGIT AKO! Inggit na inggit ako sa kapatid ko, sa hipag ko at sa baby namin. Naiinggit ako dahil hindi ko naranasang makuha ang gusto ko. Yung totoong gusto ko. Inggit na iinggit ako sa benefits na nakukuha ng kapatid ko. Nag-aaral sya sa pinakamahal na school bilang scholar. The mere fact na nagkaroon sila ng tiwala sa kapatid ko na mamemaintain nya ang scholarship nya, dun pa lang, inggit na inggit na ko. Napakasakit sa akin nun, nakakuha din naman ako ng scholarship eh, pero pinili nila akong pag-aralin sa blok na eskwelahan na ‘to. At dahil extremes nga ang agwat ng eskwelahan namin, palagi nalang akong less prioritized. Sa damit, bibili ang kapatid ko, ako hindi muna. Kasi okay lang naman sa school namin magsuot ng kahit na ano, eh sa kanya, pang mayaman yung school nya kaya dpat sumunod sa dress code. Sa mga gamit, sya pwedeng bilhan ng laptop (okay dahil sa course) dahil kelangan daw at lahat sila may laptop dun, samantalang ako, hindi, kasi pang mahirap ang school ko, magkasya nalang daw ako sa desktop, naku, andami kong kailangan gawin kung alam lang nila. Madaming bagay ang alam kong kaya nilang ibigay sa amin ng kapatid ko ng sabay pero hindi ila ginagawa. Naiinggit ako sa atensyon na binubuhos ng mama ko sa baby namin, kasi hindi ko yun naramdaman sa kanya. Hindi ko na nga din sya maramdaman ngayon. Alam kong mahal nya ko. Sino bang nanay ang hindi mahal ang anak? Pero hindi ko na yun maramdaman, matagal na, siguro nung magsimulang matuto na kong pumunta sa school mag-isa, maligo mag-isa, kumain mag-isa. Simula nung matutunan ko ang maging mag-isa.
Naiwan ako. Ma-isa, Hindi lang ng pamilya ko, pero ng napakaraming tao. Naranasan ko ng layuan. Naranasan ko ng mabastos. Naranasan ko ng mapagusapan ng masama behind my back. Naranasan ko ng maging palaging tampulan ng tukso. Naranasan ko ng maiwan mag-isa. Naranasan ko na ding ayawan ng iba.
Dun nagsimula ang pagayaw ko sa tao. Mas gusto ko mag-isa. Mas ginusto ko ang mamuhay na umaasa lang sa sarili ko at ang sustento na obligasyon ng magulang ko sa akin. Buong buhay ko palagi nalang ako iniiwan, palagi nalang akong inaayawan. Sa sandaling bumuka na ang bibig ko para makipagusap ng totohanan, lalayo sila kapag nakita nila ang isang bahagi ng ako. Hindi nila ninais na kilalanin ako. Hindi nila ninais makita kung sino talga ako. Kaagad nila akong hinusgahan.
Pangalawang dahilan ng sakit, Mga Kaibigan. Hindi ko talaga alam kung anong mali sa akin. Sobra sobra kong mahal ang mga kaibigan ko. Dahil naranasan ko ng maiwan, ginawa ko ang lahat para maging ang taong gusto nilang makita. Hanggang umabot sa puntong hindi ko nalang din kilala yung sarili ko. Hindi ko na Makita yung totoong ako. Natuto akong magtago ng nararamdaman ko, natuto akong lokohin pati ang sarili ko. Namaster ko ang ipakitang Masaya ako kahit sa totoo lang gusting gusto ko na umiyak at magwala. Minsan, gusto ko nalang magbreak free. Maging carefree sa lahat ng bagay. Maging indifferent sa kung anong sasabihin ng iba.
May mga kaibigan akong inakala ko totoo, kasi sa una pa lang, click kami. Inakala ko na mahal nila ko dahil palagi nila kong tinatawag, palaging kelangan. Hanggang sa dumating ang panahon na wala na kong maibigay at ako naman yung nangailangan, tinalikuran din nila ako. Ganun kadali. Ang akal ko totoo sila, hindi nap ala nila ko kailangan.
May mga nagingkaibigan din naman ako na inakala ko ulit na okay na. Mabait, nirerespeto daw ako. Pagkatapos ng isang pagkakamali, nawla sila lahat na parang bula at iniwasan ako na para bang meron akong nakakahawang sakit. Hanggang ngayon ramdam ko pa din yun. May mga tao akong nakakasama, nakakakwentuhan, nakakainuman, nakakatawanan pero alam ko, takot din silang tumayo para sa’kin. Takot din sila na mainvolve sa akin. Wala din silang tiwala sa akin. Hindi din nila ako mahal gaya ng sobra sobra kong pagmamahal sa kanila. Alam ko yun. I can feel it in my bones. Meron sa kanila na kailangan ako dahil mapera ako, oo aminado ko, mapera kami, may kaya, nakakaangat ng di hamak sa ilan sa kanila. May mga ilan na pakiramdam ko sadyang mabait lang talaga sa akin at sa mga ilang tao dahil nature nila yun at hindi dahil gusto nila akong maging kaibigan. May mga tao akong pinagkakatiwalaan, namumuhunan ng tiwala at emosyon para mapaniwala ko naman yung sarili ko na hindi ako nag-iisa. Sana dumating yung araw na hindi ko na kailangan patunayan ang sarili ko. Sana Makita nila na worthy naman ako maging kaibigan. Sana kapag nangyari yun, hindi na sila mahiyang manindigan para sa akin at maging proud naman sila na kaibigan nila ako.
Sana dumating yung panahon na hindi ko na kakailanganing masaktan ng sobra sobra. Sana dumating yung panahon na matutuwa ang mga magulang ko sa akin at maramdaman ko naman na mahal nila ako. Sana dumating yung panahon na hindi na ko iiyak para dito sa parehas na rason. Sana humupa na ang sakit. Sana maramdaman ko ang pagmamahal na gusto kong maramdaman, hindi lang galing sa Diyos pero sa mga taong mahal ko.
Naramdaman mo ba ang sakit na nararamdaman ko? Nakita mo ba kung gaano na nadudurog ang puso ko? Naramdaman mo ba kung gaanong pagmamahal ang ibinibigay ko sa mga taong gusto kong bahaginan ng parte ng buhay ko?

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...