Ngayon, malapit na ko mag-23 years old. At ang klase ng buhay ko ngayon ay malayo na sa nakagawian ko habang lumalaki ako sa yfc. Unang summer ko 'to na wala akong ginagawa kundi mag-aral lang at manatili muna sa bahay habang walang pasok.Ngunit buti nalang may youthcamps ang pinakamalalapit na clusters sa puso ko.
Last week, nagcamp ang CB2 Pinagbuhatan chapter, at kahit hindi man ako totoong service team, naramdaman ko na masarap pa din pala maglingkod. At syempre masaya akong makita ang aking mga kaibigan. Matagal ko na din sila hindi nakikita eh. At tsaka syempre, yung taong nagbibigay ng fire sa passions at dreams ko.:)
Kahapon naman, nagpunta din ako sa youth camp ng hoe cluster ko. Ang CB3. Nakakamiss lang din talaga. Pero madaming bagong mukha, bagong coords, bagong yfc's. Andun din ang CB2 para umalalay sa kanila dahil bumabangon palang naman din ang B3 pagtapos ng ilang taong pagkalugmok.
Malapit na ang tag-ulan, malapit na maubos ang oras para magsaya. Malapit na magpasukan, babalik nanaman ako sa totoo kong buhay. Hindi naman sa nalulungkot ako, masaya naman kasi ako sa propesyon na inaaral ko. Ang pinagaalala ko lang, baka hindi pa sapat ang naipon kong lakas para magpatuloy na ngayong taon na 'to. Napapadasal nalang din ako sa Diyos eh.
Alam ko naman na Ikaw na ang bahala sa akin Lord eh. Alam mo ang mga nilalaman ng puso ko at ikaw lang ang nakakaalam ng mga nakatakda. Naniniwala ako at nagtitiwala sa plano Mo para sa akin at para sa hinaharap ko.