Nakakainis, huli nanaman ako sa mga dapat nilang asikasuhin. Pero kapag magsesermon sila, unang una akong pagsasabihan. Kanina, humingi ako ng pera pambayad sa contribution at pambili ng libro. Wala nanaman silang pera, para sa akin. Naiintindihan kong madami kaming gastos dahil naospital ang kuya ko. Pero hindi naman ata ayos yung isang buwan na kong nagsasabi na kailangan ko ng pera eh wala pa din. Lagi nalang ganito,kapag kailangan ko ng pera,palaging wala,para sa akin pero sa mga kapatid ko meron.
Dahil ba mura lang ang school ko,okay na hindi ako magbayad agad dahil walang pera? Dahil ba sa PUP lang ako nag-aaral kaya dapat idelay ang bayarin ko dahil eskwelahang pangmahirap yun? Walang punto ang ganung pag-iisip. Eskwelahan pa din yun at hindi libre mag-aral. Kahit ang mga iskolar ay may mga dapat ding bayaran, hindi lang tuition fee.