"Gawin mo kung anong makakapagpasaya sa'yo.."
Masarap pa din talaga makipagkwentuhan sa mga magulang ko hanggang ngayon. Kahit na madaling araw na at dapat ay natutulog na sila bilang gawain naman talaga nila ang matulog ng maaga.
Masarap makipagkwentuhan at makipagpalitan ng kuro-kuro sa kanila tungkol sa mga bagay bagay sa buhay at bigla ko nalang naisip, ang bilis lang pla ng 20 taon. Pagkatapos ng 20 taon ulit, magagawa pa kaya namin 'to? O may kausap na dn kaya ako na bata na katulad ko ay mura pa ang pananaw sa mga ganitong bagay sa edad ko ngayon at ipapasa ko lang ang mga natutunan ko mula sa mga magulang ko.
Masarap makipagkwentuhan sa mga magulang ko dahil sila lang ang may kayang bumara sa akon at bumatok sa akin ng wala akong magawa kundi tumahimik at makinig nalang bilang karaniwan naman talaga ay ako ang nambabara at nambabatok sa mga tao.
Masarap makipagkwentuhan sa kanila. Kanina, naramdaman ko, pagkalipas ng ilang taon din na hindi talaga kami nagkkwentuhan ng matino simula ng maging abala ako sa kolehiyo at sa serbisyo ko sa YFC, na may mga bagay pa din talaga na hindi magbabago.
Tulad ng hindi mawawala ang usapan tungkol sa aking pagkabata, kamusta ang aking pag-aaral, relasyon sa mga tao, aking pag-uugali,mga future plans at mga pangaral nila sa akin para sa finale.
Masarap makipagkwentuhan sa mga magulang ko, dahil nagagawa ko mangarap kapag kausap ko sila, sa kanila, mabilis gumana ang imahinasyon ko at bumibilis ang pag-iisip ko.
Masarap makipag-usap sa mga magulang ko, kinilig ako..:)