March 13, 21, 22, 23, 2016
April 2, 2016
December 13, 2016
July 30, 2017
November 24, 28, 2017
December 8, 2017
Sarap balikan lahat ng mga araw na parang mahal na mahal mo 'ko at masaya tayo. Nakakatawa, April 2, 2016, habang naglalakad tayo sa west ave, hindi ka na sanay sa pabebe mode pero para sakin, okay lang pagdaanan mo ulit kasi mahal mo ko eh. Fast forward to July 18, 2018, nasabi mo rin, kahit matagal ko na rin naman ramdam, umay ka na. July 30, 2017, based sa memory ko, yun yung araw na tumawag ka sakin at okay na tayo ulit. Babalik ka pa kaya? Magiging okay pa kaya tayo ulit? Di ko na sinama, December 30, 2017. Last na nagkita tayo. Hindi ko gets kung bakit inis na inis ka na nakatulog ka at may mga di ka nagawang position na gusto mo itry sakin, as if di na tayo magkikita after nun. Di na nga kc may work ka, dami mong deadlines, may labas ka with workmates, may labas ka with friends, tapos naghiwalay na talaga tayo. June 1, 2018, last attempt ko na to go to your house and fix us. Alam ko naman, andun ka lang. Pero okay lang. Gets ko naman na. Naiintindihan ko naman kung bakit wala ng tayo. Hindi ko naman sinasabi sayo 'to para balikan mo 'ko kc kung gusto mo matagal mo na ko binalikan, hindi ko kinailangan gawin yung mga ginawa ko o kaya, hindi mo nalang sana ako iniwan. Kaso kasi ang sakit pa rin. Wala naman ako pinagsisihan sa lahat ng yun. Ikaw yun. Mahal na mahal kita kaya lang nagkataong hindi tayo pareho ng paraan. Pero grateful ako for the opportunity to meet you. Ingat ka lagi ha.
Sunday, July 29, 2018
Dates
Friday, July 27, 2018
Choice and chance
I had a conversation with a younger friend earlier. She is much younger than us pero sobrang mature nya na mag-isip. I like talking to her sometimes because it feels like talking to you. Dami namin napagusapan, one of it reminded me of why I chose to be single for 12 years, before you. Not that it matters to you now, pero ang sarap maalala ng rason kung bakit nagrisk ako sayo dati. I'm still holding on to that reason. Combination tlga ang choice at chance. 😊
Monday, July 23, 2018
Credit..
This is not because I want us back or become friends or stay connected. But I still care. Forever naman na siguro. Pero on a different level nalang. Baka pwede yung friendship someday pero di ko nakikita in the nearest future. Di naman siguro biro yung lahat ng mga pinagdaanan natin, good and bad.
Siguro para 'to bigyan ka ng credit. Blocked yung totoong account ko eh. Kaya risk talaga na malaman mo yung dummy account ko. Deactivated din naman to madalas.
Alam mo naman na 'to kaya hindi ka nagbabago ng position kahit iyakan at dramahan pa kita. Tama ka in so many levels. Sa lahat ng naireklamo ko sayo before, sa lahat ng naidrama ko sayo dati, napakaimmature ko pala talaga those times and I'm sorry that you had to go through all that and thank you for being so patient with me.
Ngayon na tumatanda na ko, hindi ko pa napagdaanan ultimo 1/4 ng mga pinagdaanan mo, narirealize kong sobrang tama ka. At siguro, kung nagtiwala ako sayo, okay sana tayo. Masyado pa 'ko nagpapadala sa emotions ko. And I just had to meet you para magkaroon ako ng wisdom na meron ako ngayon. Di mo ko binebaby. Di ka spoon feeding. Yun lang, tao ka lang din, napapagod. There would really come a time na kelangan mo ng mamili sa mga dapat mong iprioritize at madalas magmumukha ka ng selfish dahil sa mga choices mo.
But I had no regrets. Pinagdaanan ko yung mga kailangan ko pagdaanan kahit mag-isa. Parehas tayo ng goals pero hindi tayo sabay ng pace.
Di pa rin ako buo but I'm getting there. Before, I was really trying to be okay agad kasi may mga bagay na mas importante pa ko dapat unahin. Pero narealize kong ayoko nga pala ng middle ground, yung okay lang, almost. So now, sinastrive kong maging masaya lalo na sa choices na ginagawa ko. And I have you to thank for most of it.
I love you. Di na yun mawawala. Pero di naman kailangan maging tayo or maging connected tayo. Tama ka, di lahat ng nagmamahalan dapat magkasama. Assuming mahal mo ko.
Good luck ha.
Sunday, July 15, 2018
10 years ago,
"Ten years from now, make sure you can say that you chose your life, you didn’t settle for it." — Mandy Hale
10 years ago, 19 ako nun. Pero yung gusto ko ikwento, 20 years old ako bilang 30 na ko next year. I had this class in college, marketing grad nga pala ko. Hello sa MK 4-4s classmates ko, baka tanda nyo to. Di ko na matandaan yung setting, kung anong subject tsaka kung sinong prof ko nun, pero babae to.
Pinakuha kami ni Ma'am ng yellow paper at pinasulat nya yung mga gusto namin maachieve in 20 years. Of course, 20 lng ako, wala naman ako ibang gustong makuha kasi hindi ako pinalaking materialistic ng mga magulang ko but I can clearly remember lahat ng naisulat ko dun, nakadepende sa pagiging abogado ko.
Sobrang gusto kong maging abogado na lahat ng gusto kong marating, maachieve, maranasan o makuha, kakabit nun yung titulong Atty.
Hindi ko pinangarap maging Fiscal, Judge o Justice. O maging PAO, magtrabaho sa law firm, maging corporate lawyer o kung ano pa man classification ng abogado na meron. Dumating nalang yung mga ganung classification nung tumatagal ako sa law school, palapit na ko sa finish line at nagiging abogado na ang mga kaibigan ko at napupunta na sa iba ibang field ng law.
Gusto ko lang magkaroon ng ATTY. sa pangalan ko pero madami pa kong gustung gawin bukod sa maging abogado. Kaya siguro hindi pa 'ko pinagbibigyan ni Lord.
10 years after, 30 na ko, can I say that I chose my life, I did not settle? Oo naman. I chose to study first and be a lawyer. May 10 years pa ko para iachieve yung iba pang naisulat ko sa papel na yun or pwede ko naman baguhin nalang dahil nagbabago ang mga bagay bagay sa pagdaan ng panahon. Bottomline, naging masaya ako in those 10 years while achieving my goals.
Friday, July 13, 2018
28 months sana..
12:42 A.M
Perfect nga talaga lahat sa dream no? In my dream, masaya lang tayo lagi kahit nagaaway hindi naghihiwalay. Never ka nagsalita sakin ng masakit or nagsinungaling. 2 years and 4 months na sana. I love you.
When I dream about you - Gracenote
4:09 A.M
"I promise to build a new world, with you in the middle."
"Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo. Mundo'y magiging ikaw."
Paulit ulit sa utak ko. Di ko nman pinakinggan. Actually, di ko na pinapakinggan. Akala ko pag nagsesend ka dati ng kanta, may meaning kasi baka di mo masabi in your own words mga nararamdaman mo, pero kanta lang pala talaga yun, nagandahan ka lang tapos pinarinig mo sakin.
Nag-ailove you ako sayo because totoo sakin. Kahit hindi tayo, sasabihin ko pa rin yan hanggang nararamdaman ko pa. When the time comes na hindi na, tatahimik nalang ako kesa magsinungaling pa sayo tulad ng paulit ulit mong gnwa sakin.
Bumalik ako Starbucks Hampton ulit. Dun ako nag-aaral. Ang sakit kasi madaming memories dun since 2016. Kunwari si Arian pa crush ko nun pero ikaw talaga, di ko lng masabi kasi akala ko identity crisis. Dun ko iniyak yung nararamdaman kong nawawala ka na sakin. Pero kelangan ko kayanin ulit kasi huli na 'to. Aalis na ko after.
I love you and I miss you. Magkita pa sana tayo ulit someday.
Wednesday, July 11, 2018
Differences..
I love weddings. I have always wanted to be a bride someday. Ang tagal ko ng obsessed sa weddings pero ngayon lang ako nakapanood ng filipino lesbian wedding. Naisip kita. Our could-have-been future. It's another reason why we never worked. We've never agreed to pretty much anything. Different values and different upbringing. Kahit nasa side mo ko, makakahanap ka pa din ng way to negate my opinion. Siguro nga nagpretend ako to be the kind of woman you want tapos hindi pala. I don't really know. Nakakahanap ka ng wala nman dun eh. Ikaw yung mahilig maghanap ng wala. I hope mahanap mo kung ano man hinahanap mo.
Tuesday, July 10, 2018
Closure please..
I'm in this constant agony of always wanting to be with you and pushing you away when you're here and I don't feel your love or affection. Minsan, pag bigla ka tumawag o nagtext o nagreply, gusto ko isipin na bumalik ka na sakin o kays di ka naman talaga umalis, tumahimik ka lang. Pero naiisip ko kasi na mas better ka dun at mas madami kang kayang gawin pag totoong mahal mo. Sabi mo kasi dati db, affectionate at touchy ka kapag mahal mo. Matagal ko na hindi naranasan sayo yun simula nung nagreview ako para sa 2016 bar, anong nagbago, hindi mo nga ako mahal talaga, jinustify ko lang ng sobrang tagal na baka busy ka kaya ganun ka sakin. Naalala mo nung una ako pumunta sa inyo? Pinagluto mo pa ko. Sabi mo nun natatakot kang mawala ako at hindi ka makapaniwalang nasa kwarto mo ko. Ayaw mo nga ako hawakan man lang kc bka maoffend ako db? Ano bang nagbago? Sagutin mo naman ako. Gusto ko na ng closure Ian. Kung mahal mo ko o hindi na, please sabihin mo sakin. Usap tayo. Harapan. Bigyan mo ko ng oras kahit para dito nalang. Please?
Nung inakala mong niloko kita, nagawa mo kong puntahan kc sabi mo gusto mong maging okay na para sa 4th Sunday. Isipin mo naman, 3rd take ko na, 2 buwan na yung nasasayang ko kasi hindi ako okay. Magulo yung utak ko. Kaya kita pinuntahan sa bahay nyo. Gusto ko na ng closure. Wala akong planong magovernight ulit sa inyo. Maawa ka naman sakin. Gusto ko na matahimik.
9:01pm
Para kong tanga, hnd na nakakatawa, nakakainis na no? Tagal ko na alam pero ayoko pa rin tanggapin. Paulit ulit lang naman. Hindi mo ibibigay sakin kahit kelan yung mga hinihingi ko sayo siguro bilang hindi mo naranasan yun at lalo dahil wala ka nun. Okay na ha. Wag mo nalang ako kausapin ulit kahit ako pa magumpisa. Dadating din ako sa puntong hindi na kita maiisip db? O maisip msn kita hindi na masakit. Taon siguro. Mas matigas ka sakin. Ikaw talaga yung heartless. Salamat nalang. Di na kita guguluhin.
Reading is like Breathing
Work-from-home essentials
⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...
