Tuesday, August 21, 2012

Slowly but surely


Minsan impatient lang ako eh. Gusto ko na maglovelife. But then, naiisip ko na okay lang naman din ako na single. When I read a friend’s post about being impatient or parang the related or same kami ng nararamdaman at the moment, napadasal lang ako na “Lord, ito din yung gusto kong sabihin sayo eh.”
When I read, “I Kissed Dating Goodbye”, nung highschool ako, I learned the importance of getting to know someone before you delve into the realms of courtship, and I realized how exhausting it could get, considering I was really young then. And I literally kissed dating goodbye. And now I want to read ‘Boy meets Girl’, may be I am ready for courtship, maybe I am ready for a romantic relationship, maybe lang naman.Siguro I missed the signs. Siguro masyadong mataas ang standards ko. Siguro oblivious lang ako sa mga nagpaparamdam. My pace might be slow, but I know this is the Lord’s pace for me.

Monday, July 16, 2012

Nananiginip nanaman ako. Bakit ganito palagi, yung malapit na kong magising?

Napanaginipan ko nanaman sya. At mukhang magkasama nanaman kami sa isang pagdiriwang sa bahay ng isa sa mga kaibigan namin. Ganito naman palagi. Kung hindi sa events sa mga salo salo kami nagkikita. Kaya special ang bawat pagkikita namin (maikonek lang?).

Hindi naman kami talaga nagpapansinan. Civil lang. Naguusap pa din kapag nagkasagutan sa isang usapan kasama ang mga kaibigan. Pero kakaiba yung pagkakataon na yun kasi, magkasama kami sa iisang lugar na wala ang mga kaibigan namin. Well, andun naman sila sa venue pero nakahiwalay kami sa hindi ko maisip na rason, pero may mga kasama pa kaming iba.

Hindi kami nagpapansinan, pero nung mapatingin ako sa kanya, bigla syang sumenyas ng apir, so nakipag-apir naman ako sa kanya. Civil naman kasi kami eh. Ang ikinagulat ko, hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko at napunta ang mga kamay namin sa pagitan namin dalawa. Maya maya, binawi ko, kasi nahihiya ako sa kanya, baka sabihin nya pa, nawiwili ako. Pagkabawi ko, bigla kong narinig na sinabi nyang "ihahatid kita ah", pero mahina lang kaya hindi ko na pinansin.

Medyo tumagal pa kami sa salo salo na yun, may naupo na nga sa pagitan namin at nginitian ko lang sya nung mapatingin ako sa kanya. Maya maya, nakatabi ko yung isa kong member, sabi ko uwi na tayo. Tumayo sya, akala ko may pupuntahan, sa harap ko lang pala. Tapos sabi nya, "Ano ba yan, di ba sabi ko ihahatid kita. Bat sasabay ka sa kanya? Lagi mo nalang akong pinagseselos." Gulat ako, sabi ko nalang, "Ay bat di ka nagsasabi kasi agad. Malay ko ba?" Paglingon ko, nakangiti lang yung mga friends namin na nakikinig. Mas gusto ko yung ngiti ng kapatid nya na parang nagsasabing, "FINALLY!"

Habang naglalakad kami papunta sa motor nya, tinanong ko kung anong meron sa kanya. Hindi na daw nya kayang magtiis pa. Mahal naman nya daw ako talaga. Nakasakay kami sa motor, kaya di ko na narinig yung iba pa nyang sinabi. Sabi ko nalang, tumigil muna kami at mag-usap.

Tumigil kami sa Pasig Park, sa kapasigan, tapat ng simbahan. Nung makaupo na, inasar nya pa ko. "Ayos ka din ah, pag dumadating ako, kabang kaba ka ah. namamawis ka agad eh." HAHAHA! Totoo naman yun, pero kapal neto. HAHAHA!

Tapos, may weird na nangyari, dumating yung campus based at niyayaya kami sa praise and worship dahil inilipat daw ang campus fresh sa Pasig. Ang weird talaga.:))

But anyway, the main point is, sana magtapat na nga sya. I believe, someday he will. Someday he will be mine. Someday, he will realize it. Sana sya nalang plano ni God for me.

Thursday, June 7, 2012

I had a very unusual and extraordinary dream early this morning.

I had a very unusual and extraordinary dream early this morning.

Sabi nila, nangyayari ang panaginip kapag half conscious ka. Meaning malapit ka na magising. Nanaginip ako kaninang umaga. Umaga talaga eh noh?

Nagsimula yung dream na nagpakita sya sa akin. Lumapit, hinawakan yung kamay ko at ayaw nyang bitawan. Nagkkwentuhan lang kami na para bang sa wakas, dumating na ang pinakahihintay kong bagay, ang sya naman ang lumapit sa akin at magtapat na gusto nya din ako. Hindi ako gaano makatingin sa kanya kasi nahihiya pa din ako. Pasulyap sulyap lang ako at sumasagot sa mga usapan namin, hanggang sa mapansin ko na maglabas sya ng cellphone. Wala naman syang cellphone sa pagkakaalam ko eh. Kaya nagtaka ako. Hindi pa din ako makatingin sa kanya ngunit pagsulyap ko, kukunan nya ko ng litrato gamit yung cellphone. Nahiya ako kaya sabi ko stolen nalang kunwari.

Nagulat nalang ako ng biglang may lumabas sa likod ko at may ibinigay na bagay sa kanya. "Sabi ko sa inyo magagawa ko eh." sabi nya dun sa mga tao na lumabas. Sabay dating ng kapatid nya, "Ang kapal ng mukha mo, nakayanan mong gawin kay Kate yun, ang bait bait nung tao eh." yan ang sabi ng kapatid nya. Galit na galit ako at sa sobrang galit ko, nasampal ko sya ng paulit ulit. Ang sakit, akala ko totoo na. Niloloko nya lang pala ako. "Alam mong handa akong ibigay sayo kahit ano pa yan, nakahanda akong gawin ang lahat para sayo, sabihin mo lang! Bakit kelangan mo pa 'tong gawin sa akin?" galit na galit na sabi ko. "Ano ang naibigay mo sa akin? Ni wala ka pa nga nagagawa para sa akin!" sagot nya. "Aba, ang kapal mo, gusto mo ikaw pa ligawan?!" sagot na mas galit na galit at nasasaktan. Inilayo ako ng kapatid nya dun sa llugar kung nasan sya, ito nalang ang humingi ng paumanhin.

At nagising ako sa ingay ng drilling sa tapat ng bahay  namin. 9am na pala. At nagtaka ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe, kung totoo yun, ang sakit. Ang sama nya. Hindi naman nya kelangan pang pasakayin ako, kasi basta magsabi lang sya, handa akong gawin ang lahat para sa kanya, pero syempre yung tama at moral. Mahal ko eh.

Sunday, June 3, 2012

I'm scared of losing someone I never had.


I'm scared of losing someone I never had.

Bakit ganito yung feeling? Mahal ko yun eh. Hindi ba pwedeng kami nalang? Kami nalang hanggang huli? Grabe, ganito pala yung feeling na yun. Yung parang may nawawala sayo unti unti. Ang sakit eh. I can sense it, I'm losing him to someone na hindi ko pa nakikita. I'm scared of losing him. Ang masama pa nito, he was never mine to begin with.

Okay lang naman kasi ako, loving him from afar, but then bakit ganito? Nasasaktan ako. Nagiging selfish ako. Okay lang ako basta single sya. Alam kong masama, ayokong mapunta sya sa iba. Gusto ko sa akin sya. Kahit iresist nya pa 'ko, gusto ko sakin pa din sya babagsak.:(

Mahal ko talaga sya, at ang sakit sakit na.:(

Sunday, May 27, 2012

Malapit na ang tag-ulan, malapit na maubos ang oras para magsaya..

Noong mga bata bata pa ako ng konti at nagseserve pa sa yfc, inaabangan ko na mag-summer na dahil ito ang highlight ng taon para sa mga yfc. March palang, ang dami ng activities. Kabikabila ang mga plannings, youth camps, trainings at syempre reunions.

Ngayon, malapit na ko mag-23 years old. At ang klase ng buhay ko ngayon ay malayo na sa nakagawian ko habang lumalaki ako sa yfc. Unang summer ko 'to na wala akong ginagawa kundi mag-aral lang at manatili muna sa bahay habang walang pasok.Ngunit buti nalang may youthcamps ang pinakamalalapit na clusters sa puso ko.

Last week, nagcamp ang CB2 Pinagbuhatan chapter, at kahit hindi man ako totoong service team, naramdaman ko na masarap pa din pala maglingkod. At syempre masaya akong makita ang aking mga kaibigan. Matagal ko na din sila hindi nakikita eh. At tsaka syempre, yung taong nagbibigay ng fire sa passions at dreams ko.:)

Kahapon naman, nagpunta din ako sa youth camp ng hoe cluster ko. Ang CB3. Nakakamiss lang din talaga. Pero madaming bagong mukha, bagong coords, bagong yfc's. Andun din ang CB2 para umalalay sa kanila dahil bumabangon palang naman din ang B3 pagtapos ng ilang taong pagkalugmok.

Malapit na ang tag-ulan, malapit na maubos ang oras para magsaya. Malapit na magpasukan, babalik nanaman ako sa totoo kong buhay. Hindi naman sa nalulungkot ako, masaya naman kasi ako sa propesyon na inaaral ko. Ang pinagaalala ko lang, baka hindi pa sapat ang naipon kong lakas para magpatuloy na ngayong taon na 'to. Napapadasal nalang din ako sa Diyos eh.

Alam ko naman na Ikaw na ang bahala sa akin Lord eh. Alam mo ang mga nilalaman ng puso ko at ikaw lang ang nakakaalam ng mga nakatakda. Naniniwala ako at nagtitiwala sa plano Mo para sa akin at para sa hinaharap ko.

Monday, May 21, 2012

“Hindi ko na maitatanggi, oo, mahal pa din nga talaga kita.” — Summer 2012

Hindi ko naman kasi talaga sinabing wala na db? Tumahimik lang ako pero hindi naman kita sinukuan. Andito pa din ako. Mahal pa din kita. Masaya ako na kada mawawalan ako ng lakas ng loob para ipagpatuloy ko ang mga pangarap ko, lagi tayong pinagtatagpo ni Lord, at pakiramdam ko, ikaw yung nagbibigay ng additional fire sa passion at dreams ko.

You always inspire me. Bilib ako sayo eh. Mahal na mahal kita. Hindi ko maimagine kung saan nanggagaling 'tong ganito kalakas na feeling, pero mahal na mahal kita. 

Kahit na hindi tayo ang para sa isa't isa, masaya ako kasi magkaibigan tayo. Lalo na sa puntong 'to, na magaan na sa pakiramdam ang makasama ka. Hindi ko na nararamdaman na ayaw mo sa akin. Kuntento na ko sa ganito. Patuloy akong magmamahal. Patuloy kitang mamahalin hanggang sa dumating yung taong inilaan para sa atin. 

Thanks for the inspiration and happiness na dinadala ng existence mo sa buhay ko.:)

P.S. Congratulations Engineer!<3

Wednesday, April 25, 2012

Today, my thoughts burst..

‎"Hindi na ko matatakot, hindi na ko manghihinayang. Kung talagang nakatakda kang tumagal at manatili sa buhay ko, hindi tayo magkakahiwalay kahit anong mangyari." 

Lagi akong natatakot mag-isa. Sabi ng karamihan, magpakatotoo ka lang. Oh well, nagpapakatotoo ako pero kapag may pumuna na sa akin na nakakasakit na ko sa paraan ng pananalita ko dahil hindi daw ako marunong magpreno, hindi daw ako marunong magdahandahan sa pananalita, dun ako lumalayo at hindi ko na naipapakita yung totoong ako. 

Oo, my words may be harsh sometimes, siguro nga di ako marunong magpreno, siguro nga hindi ako nagiisip kung makakasakit ba ko sa mga salita ko, pero para sa akin, nagagawa ko yun dahil yun ako. Gusto ko lang malayang makakilos at makapagsalita sa mga kaibigan ko dahil hinding hindi naman talaga ako magsasabi ng makakasakit sa kaibigan ko intentionally. Kung kaibigan talaga kita, alam mo ng ganyan ako magsalita talaga.

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...