Monday, August 18, 2008

Magkunwari ka nalang na hindi mo alam..

Nakikita, nakakausap, nakakasalamuha, at nakakasama mo sya, sa iba't ibang pagkakataon. Minsan, masaya, minsan malungkot, minsan, sakto lang. Akala mo nga, alam mo na ang lahat sa kanya.. O kahit papano, akala mo, sapat na ang nalalaman mo tungkol sa kanya para tanggapin mo sya.. para yakapin mo ang pagkatao nya..


Tapos biglang, isang araw.. nakita mo ibang-iba na sya.. kung tutuusin, wala namang nagbago sa kanya.. SYA yun.. pero bigla mong matatanong sa sarili mo.. "sino nga ba sya.."

Wala namang nagbago... nagkataon lang na nakikita mo ang isang parte ng pagkatao nya na hindi mo pa nakita, o tinanggihan mong makita...


"magkunwari ka na lang na hindi mo alam.." na wala kang nakita.. para sana manatili ang pagtangi mo sa kanya noong akala mong kilala mo na sya..


Pre-conceive na rin daw ang pagtingin ng isang tao sa isang bagay... o kahit sa kapwa nya.. kaya minsan, mahirap baguhin ang nakasanayan ng isip mo na SYA...

Sino nga bang nakakakilala sa kanya?.. yung taong nakasama nya kahapon? nung isang araw? yung kasama nya ngayon? Sinusukat nga ba ng tagal, o ng bawat araw ang kaalaman mo sa pagkatao nya..

Mahirap maniwala sa mga nakikita, baka nagkukunwari lang sya, sa mga naririnig, kahit galing sa mismo nyang bibig, sa kilos na nababasa mo ayon sa sarili mong pananaw sa dapat at hindi dapat ikilos ng isang nagpapakatao..

Wag mo na lang isipin. Kunwari hindi mo alam. Kunwari hindi ka naguguluhan. Kunwari alam mo na. Kahit ayaw mo ng alamin.


"mahirap tanggapin ang isang bagay na hindi mo maintindihan, mahirap maintindihan ang bagay na hindi mo alam.. mahirap mahalin ang isang taong hindi mo kayang tanggapin..."


Isa ka rin ba sa mapanghusgang mata ng lipunan na tumitingin, nanlilibak, nandidiri. Hindi na rin ba kinaya ng utak mong maintindihan, kaya nagpapanggap kang walang alam??





Mata. Tenga. Bibig. Pandama. Panlasa.
Kailan mo ba masasabing alam mo na?

No comments:

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...