Tuesday, May 3, 2011

I hate my job..

Naramdaman mo na ba yung feeling na ayaw mo na, yung gusto mo na sumuko pero hindi mo magawa kasi matagal mong ipinagdasal na makuha yung ganoong bagay? Grabe lang.. Yan ang pakiramdam ko ngayon sa trabaho ko. I know I should be thankful, and yes I am thankful for it, pero talagang ayoko na.

Aside from the fact na maliit ang sahod don, hindi ko lang talaga Makita yung sarili ko na tatagal pa dun. Alam ko na sa simula palang na hindi ito yung pinangarap kong trabaho. Matagal din akong walang trabaho. At alam kong dahil sa hindi pa naman talaga ako seryosong maghanap talaga. At nung natanggap ako sa trabaho ko ngayon, there’s a part of me na nagsasabing, ‘yan lang ba ang kaya mo?’

Nahiya ako, kahit yung mismong job designation ko, ikinahiya ko. Ayoko na talaga sa trabaho ko. Lord, bigyan mo na po ako ng ibang trabaho. Yung trabahong kahit hindi ko gaanong gusto, enough na para tumagal ako. Ang dream job ko naman po talaga ay maging abogado. Gusto ko pong magkaroon ng trabaho na makakatulong sa akin na pag-aralin ang sarili ko, makakatulong kahit paano sa mga magulang ko at sapat na para mahalin ko kahit na hindi ko nay un trabaho kapag abogado na ako.

Lord, bigyan nyo din po ako ng mga mabubuting officemates. Yung mga kaya akong pakisamahan sa ugali ko at yung mga kaya ko din pakisamahan. Lord, bigyan mo din po ako ng boss na mabait. Yung madami po akong matututunan at mamahalin ko din at ituturing kong mentor talaga. Kayo na pong bahala panginoon. Ayoko nap o talaga sa Koop..

Salamat po..

No comments:

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...