Thursday, April 3, 2014

KALMADO LANG.

In my 25 years of existence, nakakatuwa na nagpoprogress yung ugali ko. The other day, I was out with a friend. We talked about a lot of things. Tinanong nya ako kung in love pa ko. Sabi ko, oo naman, mahal na mahal ko yun pero kalmado lang.

KALMADO LANG.

Wala akong lowest point. Yung aabot sa punto na gugustuhin ko nalang na magresort sa kung ano pa mang bagay na makakapagpasatisfy lang ng mga nararamdaman ko. Alam ko na kasi na si God lang makakasatisfy sakin. Kalmado lang ako sa lahat. Siguro, nagsastruggle pa din ako na maging kalmado, kasi sa simula, hindi yun ang ugali ko eh. Pero dahil sa natutunan ko na agad nung teenager palang ako na walang mangyayari kung kakabahan ako at dapat magtiwala lang ako palagi sa Diyos, nabawasan yung mga takot at kaba ko.

Ano bang punto ko? Ang punto ko lang naman, matuto tayong mag-let go. Mag-let go sa mga nakakatakot at nakakakabang mga bagay at hayaan na natin si God yung trumabaho. Sabi nga sa isang lecture na narinig ko nung YFC pa ko, "LET GO AND LET GOD! Kapag nagawa mo na ang mga dapat mong gawin at umabot na sa puntong hindi mo na kontolado ang mga bagay bagay, magtiwala ka lang, si God na ang bahala."

Nakakatuwa na may ganitong community na katulad ng Couples for Christ. At nagpapasalamat din ako na maayos ang magulang na meron ako. Kasi kung hindi dahil sa kanila, may anak na siguro ako at napapabayaan ko sya kasi hindi ko alam ang ituturo ko dahil pariwara ang buhay ko.

No comments:

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...