Binalikan ko yung mga previous conversations natin this week, pati email ko, pati mga previous emails ko sayo. Klaro naman na eh. Ako nalang 'tong gagang umaasa at desperada na. Malinaw namang ayaw mo na.
Hindi na mahalaga kung gusto mo pa. Sa totoo lang, hindi na maganda yung nangyayari sakin. Hindi lang naman ikaw ang may kasalanan dito. Mainly, ako talaga 'to, kc pinabayaan kong umabot sa ganito. Pinabayan kong magkaroon ka ng malakas na hold over me. Pinabayaan kong mawala yung totoong ako.
Hindi mo kasalanan entirely kasi hindi naman sana nangyari 'to sakin kung hindi ko hinayaan di'ba? Naging mahina ko. Sabi ko sa umpisa, hindi ko gustong mawala yung ako sa relasyon natin, pero yun yung nangyari. Pero buti nalang hindi pa huli ang lahat. Pweede pa rin naman natin siguro respetuhin ang isat isa. Magiging abogado tayo parehas in the future. Kaya tama lang na magfocus tayo sa mga goals natin sa buhay.
Hindi na mahalaga ngayon kung gusto ko pa ba, o kung gusto mo pa rin ba, ang importante, magiging abogado tayo. Ako sa 2017, ikaw sa 2018. Walang ibang mahalaga ngayon kundi ang Bar.
Salamat sa lahat ng tulong, pagpapasensya at pagintindi. Tingin ko naman magiging friends pa rin tayo, hindi pa nga lang ngayon. Pero okay tayo, db? Anyway, good luck satin!
No comments:
Post a Comment