Wednesday, October 12, 2016

Huli na 'to..

Matatapos din lahat ng 'to. Makakabangon din ako. Makakalimutan din kita. Ngayon nasasaktan ako, nahihirapan at madami pang halo halong emosyon. Siguro ikaw din. Napakahirap sakin na parang tayo pero hindi tayo. Hindi ko yun kaya Ian. Nasa high school ba tayo para maghintayan? Ang alam ko matagal na natin naabot yung tamang edad. Black and white lang ako. Sinubùkan ko sa grey area. Napakadaming bagay ang hindi ko naintindihan. At di ķo yun pwede isabay sa bar. Ikaw din, napakadami mong iniisip, di mo pwede isabay sa bar. Ayoko ng wala akong naiintindihan. Ayoko ng wala akong kontrol. Ayoko ng pakiramdam na nakadepende ako sa desisyon ng iba. Kung may choice lang ako ngayon, ako na susuporta sa sarili ko. Narealize ko, kahit gaano pa kita kamahal, di ko kaya maghintay lang sa kung kailan mo ko kakailanganin, kakausapin at papansinin. Hindi ko kaya na wala ako sa priority list mo habang ikaw kinoconsider kita sa lahat ng pangarap ko. Hindi ko na rin gusto marinig at intindihin yung mga pinagdadaanan mo habang ikaw ang dali lang sayo baliwalain yung emosyon at mga pinagdadaanan ko. Hindi ako selfish, alam mo yan. Sanay tayo ng wala tayong kasama kaya panahon na para totoong maghiwalay tayo. Huli na 'to. Ayoko na. Di ako galit. Ayoko na may maramdaman.

To quote something from the blog post you sent me before, "She knows when to stop, when to let go and when to start, when to drop the cowardice and when to fight for love…" I know now that I have to stop waìting for you, I have to let go and start living a life without you. I don't have to be scared to live a new life without you because now, I am done fighting for your love.


No comments:

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...