Ayoko ng magalit. Ayoko na din masaktan. Ayoko na umiyak. Ilang beses ko na sinabi, hindi ko napapanindigan. But tonight, i will finally let go. Everything I said bago tayo naging okay holds true and standing again. Mali man o tama ang pagkaintindi ko sa sinabi mo, the truth remains, inaffirm mo ng tapos na nga talaga tayo. Natatawa din ako na naiinis ako sayo kapag di mo ko napagbibigyan, wala naman na nga talagang tayo, simula nung tinapos ko. Akala ko kasi meron dahil sa i love you, care and support na pinakita mo. Wala lang pala yun kasi nga matagal na nga pala tayong tapos. Naunblock na kita because I'm just detaining myself to the thought na baka magtext o tumawag ka and you cannot get through because nakablock ka where in fact di naman totoo. Kung ikaw, nawalan na ng respeto sakin, mas lalo ako sa sarili ko. Di naman kita sinisisi kasi hinayaan ko lang na kontrolin ako ng nararamdaman ko sayo. Sorry ha, minura kita, hindi ko ugali yun. Hindi ko ugaling nagagalit at matindi talaga yung galit na naramdaman ko kagabi. Matagal na hindi nangyayari sakin yun at ayoko na sana maulit. Binabawi ko, thankful pala akong nakilala kita because I learned things from you. Bonus nalang na nagmahalan tayo, kung totoo nga na nagmahalan tayò. Anyway, titigil na ko. Sorry at salamat sa lahat ha. Ingat. Good luck sa bar! See you around.
No comments:
Post a Comment