Alam mo ba kung bakit big deal sakin na wala kang tiwala sakin? Nung una, natatakot ako na baka makahanap ka ng iba na kakayanin mong magtiwala ulit. Sabi mo mahal mo ko. Pero paano pag dumating yung taong kakayanin mo magtiwala at mahal mo na, pano na ko? But that was selfish of me. Mas hindi ko pala kaya yung thought na hindi mo na kakayanin magtiwala at all. Sabi mo hindi ka gumagawa ng move to damage our relationship. Hindi ka nakikipagmingle sa mga taong pwedeng maging threat satin. But I think that's wrong. All the more na dapat ka makipagmingle and kindly let them down because you are committed to me or baka mahanap mo yung taong para sayo. Nasabi mo na sakin na hindi mo na ko mahal, that you don't feel lucky to be with me. Those are just different words but what you're really trying to say is that you are no longer happy. You always felt that you've wronged me and that explaining yourself to me became a burden to you. Wala akong dinemand sayo kahit kelan. Oras at atensyon mo lang. Na parang sobrang hirap para sayo na ibigay. You once told me that I am your queen. Anong nangyari hon? But then, hindi okay, but I will get over it. Sorry.
No comments:
Post a Comment