Thursday, March 22, 2018

Tama na please..

Sa totoo lang, simula nung magreply ka sa message ko kanina, gusto kong bumalik pa rin sayo. Nung narinig kita, gusto ko magmakaawa ulit na bumalik ka na. Hanggang ngayon, kahit madalas ako masaktan dahil lalabas na hindi totoo yung mga sinasabi mo sakin, ikaw pa rin yung binabalik balikan ko.

You will always have a soft spot for me and you always say you love me. Pero di ko naman naramdaman kahit kailan yun. Baka nga, di mo lang maipakita sa paraang mararamdaman ko. Sabi mo pa nga, gusto mo that you can talk to me about everything but there are a lot of times that you have silenced me.

Sabi nga, in love, there's no fear. Kaso, takot na ko sayo. Di ko na alam kung paano maging ako kapag andyan ka. Sobrang sakit nito kc gusto ko na andyan ka lang. Pero parang mas makakabuti sating dalawa pag magkahiwalay.

Sana nga makapagsimula tayo ulit one day. Yung wala na yung sakit at takot ng nakaraan. Kahit magkaibigan nalang. Salamat sa lahat ha. Wag ka na sana sumagot. Naniniwala pa rin ako na baka mahal mo nga ako. Takot nalang ako na baka dumating na yung panahon na hindi na talaga. I love you.


No comments:

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...