Tuesday, April 17, 2018

Slip..

Ang funny ng sitwasyon no? Ironic actually. Isang message mo lang, nagrereply agad ako, tumatawag pa. Tahimik ako pero di ka nawawala sa isip ko kahit anong busy ko. Ikaw pa rin una at huli kong naiisip. Hindi mo ipipilit yung sarili mo sakin kasi iyo pa rin ako eh.

Sabi mo, you will always have a soft spot for me. Gaano kaya kasoft yun? Nung tayo nga, I always had to second guess, di kita mapa-oo sa mga requests ko, ngayon pa kaya? Sana mawala ka na sa sistema ko para naman magawa ko na yung mga gusto kong gawin na pinangarap kong kasama kang gawin yun. Sana dumating na yung araw na hindi na kita mahal kasi bawat araw na nararamdaman ko pa rin na sobra kitang mahal, ang sakit. Na magkahiwalay na tayo ngayon, ang hirap. At wala ka na talagang pakialam sa akin, sobrang sakit.

Magiging maayos din yung pakiramdam. Naniniwala ako dyan. Pero di ko pa masabi kung kelan. Ayoko pumasok sa relasyon na wala akong maibibigay sa tao dahil nasayo pa rin lahat ng ako. Kaya pinipilit kong maging okay at mabuo ulit ng wala ka na. Sana unti unti ko ding makuha yung mga ako na naibigay ko sayo o kaya matutong iwan nalang sila sayo bilang di ka na magiging parte ng future ko.

Sana mahanap mo na yung pahingang hinahanap mo. I love you.


No comments:

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...