Friday, November 27, 2009

Hanggang dun lang..

"Hanggang tingin lang naman ako sa kanya, bawal lumapit, lalong bawal humawak. Bawal kumapit at bawal umasa." habang nagcecelebrate kami ng mga kaibigan ko kanina sa isang tambayan malapit sa skul, nakita ko sya, sobrang lapit lang, pero hindi ko pwedeng abutin. Alam mo ba yung pakiramdam na hindi ka na makapagpigil at nararamdaman mong bumabaon din ang paningin nya sa'yo, na sa bawat paglingon mo sa direksyon nya, huling huli mo ang mabilis nyang paglingon din nya.

Lingid sa kaalaman ng lahat ng kasama ko na andun ka. Na sa tuwing tatama ang mata ko sa kabuuan mo, may kumukurot sa puso ko, sa bawat lingunan natin pakiramdam ko ay may pangungulila. At ang pinakamasakit, nakikita kong malungkot ang iyong mga mata. Wari bang ipinahihiwatig mong hindi ka naman talaga masaya.

Alam kong hindi ka masaya. Nasasaktan akong makitang malungkot ka. Hindi kita mahawakan. Maalalayan man lang. Hindi pwede. Bawal. Hanggang tingin lang ako. Sana mabasa mo ang mensahe sa mga mata ko. Andito lang naman ako, hinihintay ang bawat sabog ng damdamin mo, bilang KAIBIGAN. Oo. Bilang kaibigan lang.

No comments:

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...