Tuesday, December 1, 2009

Mahal ko pa din sya.. pero ngayon, iba na..

Minsan, inakala ko na okay na ko. Akala ko, itong nararamdaman ko, humantong na sa hangganan. Akala ko hindi ko na kaya magmahal. Akala handa na ko sa bagong simula. PEro hindi pa pala.

Nang makita ko sya, mas lalo ko lang napatunayan na isang malaking kalokohan ang ginagawa ko sa sarili ko. Mas lalo ko lang nalaman na hindi naman pala basta basta mawawala ang nararamdaman mo kapag sinabi mong gusto mong magmove on kasi likod palang, maiiyak ka na kasi sobra mo pala syang pinapangarap.

May kaibigang nagsabi sa akin, "tumigil ka na, wag na sya, wag mo na sya pangarapin, wag mo na sya pagpantasyahan."

Gusto ko sana. Pinilit ko naman eh. Ginusto ko naman. Pero wala pa din nangyari. Iba talaga kapag sya lang ang nakikita ng mga mata mo kahit hindi mo naman literal na nakikita sya.

Ayoko sabihing pangarap ko lang sya. Hindi ko sya pinangarap. Kung may choice lang ako, titigil naman talaga ako. Eh anong magagawa ko, nagmamahal ako.. At ang masaklap, hindi nya kayang ibalik ang mga nararamdaman ko.

Ngunit kahit ganun, masaya ang pagmamahal ko. Dahil nagmamahal ako. Wala mang kapalit, okay lang. Kasi hindi ko naman sya pangarap.

Mahal ko sya. Mahal ko pa din sya. Sa kabila ng mga nagdaang panahon, mahal ko pa din sya. Pero ngayon, iba na.

No comments:

Reading is like Breathing

Work-from-home essentials

⚠️These are very uncertain and uncomfortable times. ✔️Let's all #staysafe as we navigate through the process of growing comfortable with...